(c) Gray Miller
Hindi maikakaila na ang komunikasyon ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ayon sa Webster Dictionary at iba pang mga dalubwika, ang komunikasyon ay nagpapahayag, nagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Ito’y isang pakikipag-ugnayan, pakikipag-palagayan o pakikipag-unawaan. Ayon naman sa isang sikologo, ang komunikasyon ay napiling pagtugon ng organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksyon. Samakatuwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa; ito’y kailangan sa kanyang kapaligiran.
Paraang pasalita at pasulat upang magkaunawaan at makamtan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay. Komunikasyon kagaya ng telegrama, teleponong cellular, at cordless, radio, telebesyon, VHS, computer, fax, e-mail internet, world wide web kabilang ang mga social networking sites tulad ng twitter, friendster, multiply at higit sa lahat, ang kinagigilawang facebook sa henerasyon ngayon. Walang Pilipino, lalo nang walang mga kabataan o estudyante ang hindi nakakikilala sa facebook. Ang facebook ay isang Social Networking Site kung saan ikaw ay maaaring makipagkilala at makipaghalubilo sa mga taong matagal mo ng hindi nakikita o kaya nama’y taong hindi mo pa nakikilala onlayn. Maaari ka ring magpahayag dito ng iyong iniisip at nararamdaman sa pamamagitan ng posts o statuses, magpadala ng mensahe, maglaro, magupload ng mga litrato at videos at makipag-chat. Halos lahat ng mga Pilipino ay may facebook account, at hindi natin maikakaila ang malaking impluwensyang naidudulot nito sa mga kabataan. Dahil sa lawak ng paggamit nito, maraming taong nagkalayu-layo ang napagbuklod; mga taong hindi magkakilala ang napagtagpo; at napakarami ng aktibidades at katuwaan ang nagagawa ng mga gumagamit nito habang nakikipag-interak sa iba pang mga tao.
Tayo ngayon ay nabubuhay sa Information Age na kung saan ang lahat ng bagay ay konektado ngunit mapanganib din ito dahil sa mga masamang resulta na nalilikha nito. Ang maganda lamang dito ay ang user o indibidwal pa rin ang may kontrol sa lahat ng kanyang ginagawa. Nasa sa kanya na lang ang pagkontrol sa kanyang sarili. Ayon sa usapang facebook, ang facebook ay isang Social Networking Site na patok na patok sa ating mga Pinoy. Naungusan nito ang dati'y kilalang-kilala na Friendster. Kapansin-pansin ang pag-usbong nito sa world wide web. Pumatok din ang iba't ibang facebook games gaya ng Farmiville, Mafia Wars, Cafe World, Texas Hold 'em Poker, at iba pa, ganun na rin ang iba't ibang aplikasyon gaya ng Friends For Sale, Buddy Poke at iba pa. Naging daan din ang Fan Page upang mas maging popular mga artista at mga pulitiko lalo na kung eleksyon. Isa rin sa nakahuhumaling sa social networking site na ito ay ang palagi ang pag-update ng status ng bawat users. Subalit sa kabila nito, ilang isyu na rin ang umusbong ng dahil lamang sa FB status. Isa na rito ay ang panlalait ni Jacque Bermejo sa kapwa Pinoy noong nakaraang bagyong Ondoy. Kapansin-pansin na rin na nagmimistulang talaarawan ang Facebook Page ng ibang users. Halimbawa na lang ang oras-oras o minu-minutong pag-update ng isang Facebook user ng kanyang ginagawa. ("Usapang Facebook Status", 2010). Ayon sa artikulong "Facebook Addict", ang facebook ay naging bahagi nang kulturang Pilipino. Sa ngayon, mayroong siyam na milyong Pilipino ang may facebook account. Hindi na maiaalis sa sistema ng ilang mga Facebook users ang paggamit ng facebook.
Sa mga mag-aaral, ito ay nakatutulong sa kanilang pag-aral. Nakatutulong ito sa kadahilanang maari silang makakuha ng impormasyon sa paggawa ng kanilang takdang aralin o proyekto sa pamamagitan ng pakikipag-chat o pagpopost.
Si Mark Zuckerberg (2005) na isang estudyante ng Harvard, ang orihinal na gumawa ng facebook. Ang paglikha niya nito ay isa lamang sa kanyang mga makabuluhang libangan na siya namang sinuportahang pinansyal ni Eduardo Saverin. Ilang buwan ang nakalipas ay kumalat ang impormasyon tungkol sa social network na ito. Una sa buong Harvard, sumunod ay sa Stanford at Yale. Sina Dustin Moskovits at Chris Hughes ang tumulong sa kanya upang lalo pang maipalaganap sa marami ang social network na ito. Nang makilala ang facebook bilang National Student Phenomenon, nilisan ni Zuckerberg at Moskovits ang Harvard upang bigyan ng kaukulang atensyon at lalo pang pagyamanin ang nasimulang gawain. Noong Agosto 2005 nang opisyal na tawagin social network na ito bilang facebook. Ang facebook.com ay nabili o binayaran sa halagang $200,000 na naiulat.
Hindi kagaya ng ibang kakumpitensya, ang facebook ay hindi maaring gamitin ng lahat kaya mababa lamang ang bilang ng mga taong gumagamit nito. Upang magamit ang facebook, ang isang indibidwal ay may kinakailangang may miyembro sa mga 30,000+ na kinikilalang paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyon at mga kumpanya sa loob ng US, Canada at iba pang mga taong gumagamit ng wikang Ingles. Kagaya ng ibang social network, ang facebook ay nilikha kung saan maaring ilagay ang mga gumagamit ang kanilang personal na impormasyon kagaya ng pangalan, kasarian, tirahan, estado ng relasyon, iba’t ibang aktibidades, mga paboritong kanta, palabas, mga libro at ang paaralan kung saan ka nakapag-aral at nag-aaral hanggang sa ngayon pati na rin ang iyong personal na litrato. Ang paglalagay ng mga ito ay hindi sapilitan, ito ay opsyunal lang.
Ang facebook din ay naglalayon na makatulong sa mga estudyante sa pamamaraang makapagbibigay ng anunsyo ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng pag-me-message o pag-cha-chat, upang mapadali ang pagbibigay ng mga handawts at upang makapag-upload din ng mga larawan ang mga estudyante ukol sa mga proyekto sa kanilang paaralan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento